|
||||||||
|
||
Sa isang regular na preskong idinaos Lunes, Setyembre 10, 2018, ipinahayag ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagpapaunlad ng relasyong Sino-Pakistani ay hindi nakakatuon sa ikatlong panig.
Ani Geng, maalwang natapos kamakailan ang pambansang halalan ng Pakistan. Aniya, layon ng pagbisita ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina sa Pakistan na komprehensibong makipag-ugnayan sa bagong pamahalaang Pakistani para makalikha ng mabuting simula sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa bagong situwasyon.
Dagdag pa ni Geng, ang Tsina at Pakistan ay estratehikong partner ng isa't-isa. Napakatatag aniya ng relasyon ng dalawang panig. Hindi nakakatuon sa ikatlong panig ang pagpapaunlad ng relasyong Sino-Pakistani, at hindi aaapektuhan ang kanilang relasyon dahil sa kanilang sariling pagpapaunlad ng relasyon sa ibang bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |