|
||||||||
|
||
Beijing — Magkahiwalay na nakipag-usap Lunes, Abril 23, 2018, si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa kanyang mga counterpart na sina Khawaja Asif mula Pakistan at Sergei Lavrov mula Rusya.
Sa kanyang pakikipag-usap kay Asif, ipinahayag ni Wang ang kahandaan ng panig Tsino na magsikap kasama ng panig Pakistani upang maisakatuparan ang mga komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa at isagawa ang mas mahigpit at komprehensibong kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan. Patuloy at buong tatag aniyang kakatigan ng panig Tsino ang pagsisikap ng Pakistan sa pangangalaga sa soberanya ng bansa, paghahanap ng sariling pag-unlad, at paglikha ng mainam na kapaligirang panlabas nito.
Sa kanya namang pakikipag-usap kay Lavrov, ipinahayag ni Wang na sa bagong kalagayan, dapat tupdin ng dalawang panig ang narating na komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, at dapat ding matatag na pasulungin ang kanilang kooperasyon sa iba't-ibang larangan upang makapagbigay ng mas maraming benepisyo sa kanilang mga mamamayan at makapag-ambag para sa kasaganaan at katatagan ng rehiyon at buong daigdig.
Nagpalitan din sila ng kuru-kuro tungkol sa mga isyung gaya ng proseso ng Shanghai Cooperation (SCO), situwasyon sa Korean Peninsula, at isyu ng Syria.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |