Binuksan sa Beijing Lunes, Setyembre 10, ang 2018 Interregional Seminar on the Achievement of the Sustainable Development Goals (SDGs) for Parliaments of Developing Countries. Sa idinaraos na seminar, ang mga mambatatas mula sa Tsina at ibang mga umuunlad na bansa na gaya ng Ethiopia, Mauritius, Pakistan, Sri Lanka at iba pa ay nagtatalakayan sa ilalim ng tema ng seminar na "Papel ng mga Organong Lehislatibo sa Pagsasakatuparan ng mga SDG."
Si Wang Chen habang nagtatalumpati sa seremonya ng pagbubukas ng seminar (photo credit: Xinhua)
Lumahok sa seremonya ng pagbubukas at nagtalumpati si Wang Chen, Pangalawang Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina. Ipinahayag ni Wang ang kahandaan ng pamahalaang Tsino na patuloy na manangan sa pagbubukas sa labas at pag-uugnayan ng pagpapasulong ng Belt and Road Initiative at mga agenda ng sustenableng pag-unlad ng iba't ibang bansa para maisakatuparan ang komong kasaganaan ng mga umuunlad na bansa.
Ito ang ikatlong seminar na nasa magkasamang pagtataguyod ng NPC at Inter-Parliamentary Union (IPU).
Salin: Jade