Istanbul, Turkey — Idinaos nitong Huwebes, Oktubre 19, 2017, ang Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Group of Eight Developing Countries (D8) kung saan tinalakay ng mga kasapi nito ang pagpapalakas ng kooperasyon sa mas maraming larangan para harapin ang mga hamong pandaigdig.
Sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Ministrong Panlabas Mevlut Cavusoglu ng Turkey na kasalukuyang kinakaharap ng mga kasapi ng D8 na kinabibilangan ng Bangladesh, Ehipto, Indonesia, Iran, Malaysia, Nigeria, Pakistan, at Turkey, ang maraming hamong pandaigdig na tulad ng karalitaan, rasismo, imigrasyon, at tagtuyot. Kaya, napakahalaga ng pagpapalakas ng kooperasyon ng mga kasaping bansa, aniya.
Salin: Li Feng