|
||||||||
|
||
Vladivostok, Rusya--Nanawagan si Shen Haixiong, Puno ng China Media Group (CMG) sa mga media counterpart na Asyano na sa bagong panahon, pahigpitin ang estratehikong pagtutulungan para magkakasamang magpalabas ng tinig ng Asya sa daigdig.
Ang pananwagan ay ginawa ni Shen ngayong araw sa kanyang paglahok sa sub-forum ng Eastern Economic Forum (EEF) na may temang "Pamamahayag ng Asya sa ilalim ng Pagbabagong Pulitikal at Ekonomiko."
Si Shen (ikalawa sa kanan) sa sub-forum ng EEF
Suporta sa pagtatatag ng komunidad ng Asya na may pinagbabahaginang kinabukasan, misyon ng media
Sa kanyang talumpati, inilahad ni Shen na bilang magkakapit-bansa na may kaugnayan na tulad ng labi at ngipin, ang mga bansang Asyano ay magkakasamang nakakaranas ng maraming hirap at ginhawa. Misyon ng mga media na Asyano na pagsamahin ang talino at lakas ng mga mamamayang Asyano para mapasulong ang pagtutulungan at komong kaunlaran.
Mga media na Asyano, kailangang magtulungan sa harap ng pagbabago ng daigdig
Sinabi ni Shen na ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan at pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI) para sa komong kasaganaan ay nagpapataas sa bagong antas ng pananaw at ideya ng pagtutulungan ng mga media ng Asya. Upang mapasulong ang pagtutulungan ng mga media na Asyano sa bagong panahon, iniharap ni Shen ang tatlong mungkahi. Una, palakasin ang estratehikong pagtutulungan. Para rito, kailangang itakda ng mga media ng Asya ang pangmatagalang plano ng pagtutulungan. Kasabay nito, idaraos ang regular na porum ng mga media na Asyano at pagpapalitan ng mga kabataang mamamahayag. Ikalawa, palalimin ang pagtutulungan sa new media. Ikatlo, palakasin ang komunikasyong kooperatibo para mapasulong ang pag-uunawaan sa pagitan ng iba't ibang sibilisasyon.
Si Shen habang kinakapanayam ng RT
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |