|
||||||||
|
||
Sa magkasamang pagsaksi nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, lumagda Martes, Setyembre 11, 2018, sa Vladivostok sina Shen Haixiong, Puno ng China Media Group (CMG), at Dmitry Kiselyov, Puno ng Rossiya Segodnya, sa "Kasunduang Pangkooperasyon ng Pandaigdigang Estratehiya ng CMG at Rossiya Segodnya."
Live coverage ng Russian State Television
Ayon sa kasunduang ito, isasagawa ng dalawang panig ang mga pragmatikong kooperasyon sa mga aspektong gaya ng pagpapalitan ng mga balita, magkasanib na pagbabalita, at kooperatibong pagbabalita para mapasulong ang kanilang pagbabalita sa kultura, kabuhayan, palakasan, at iba pang larangan, at mapalalim ang damdamin ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Pagbabalita ng website ng RIA Novosti sa pangyayaring ito
Ayon pa sa kasunduan, patuloy na palalakasin ng dalawang panig ang kooperasyon sa news client, social media, internet, at iba pang larangan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |