Idinaos Setyembre 17, 2018, sa Beijing ang World Conference on Science Literacy. Nagpadala si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mensahe ng pagbati sa pulong na ito.
Tinukoy ni Xi na ang siyensiya at teknolohiya ay unang produktibong lakas, at ang inobasyon ay unang tagapagpasulong na puwersa ng pag-unlad. Aniya, sa kasalukuyan, umaahon ang bagong rebolusyon ng siyensiya at teknolohiya sa mundo, at ito ay may maalim na impluwensiya sa kayarian ng pag-unlad ng daigdig at babago ng paraan ng pamumuhay ng mga tao. Ang pagpapahigpit ng kooperasyon ng industriyang pansiyensiya't pantekonolohiya at iba pang mga sektor ng lipunan para sa pagpapasulong ng inobasyon, aniya pa, ay mahalagang paraan para mapatingkad ng progreso ng siyensiya't teknolohiya ang mas malaking papel para sa pag-unlad ng lipunan ng buong sangkatauhan.
Binigyan-diin ni Xi na pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapalaganap ng siyensiya, at nagsisikap ang pamahalaan para mapataas ang kalidad ng siyensiya at kultura ng lahat ng mga mamamayang Tsino.
salin:Lele