|
||||||||
|
||
Ang pagkatuklas ng gravitational waves ng Laser Interferometer Gravitational-wave Observatory (LIGO) ng Amerika nitong nagdaang Huwebes, Pebrero 11, 2016, ay humihiyakat sa mga siyentista ng buong daigdig na palalimin ang pananaliksik na ito. Hindi pahuhuli ang mga alagad ng agham ng Tsina.
Ang gravitational wave ay hinulaan ni Albert Einstein sa kanyang teorya ng general relativity, isa sa dalawang pillar ng modern physics, sandaang taon ang nakalipas.
Ipinahayag ni Wang Yifang, Puno ng High-Energy Physics Institute ng Chinese Academy of Sciences (CAS) na nakikipag-ugnayan ang kanyang Instituto sa mga unibersidad ng Amerika na gaya ng Harvard at Massachusetts Institute of Technology (MIT) para mapasulong ang kakayahan ng kanyang instituto sa pananaliksik sa gravitational wave.
Nagpapasulong ngayon ang CAS ng sariling gravitational wave project na "Ali" na ipinangalan ng CAS observatory sa Ali, Tibet sa dakong kanluran ng Tsina.
File photo ng Laser Interferometer Gravitational-wave Observatory (LIGO) sa Livingston, Louisiana, Estados Unidos. (Photo credit: Xinhua/Caltech/MIT/LIGO Lab)
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |