Ipinatalastas Martes, Setyembre 18, 2018 ng Unyong Europeo (EU) ang pagkakaloob ng pangkagipitang saklolong nagkakahalaga ng 2 milyong Euro sa Pilipinas, para tulungan ang pamahalaang Pilipino na harapin ang pananalasa ng bagyong "Ompong" o "Mangkhut."
Ayon sa proklamasyong inilabas nang araw ring iyon ng European Commission, ipagkakaloob ng EU ang mga pangkagipitang materiyal at pondo na kinabibilangan ng tolda, family emergency package, healthcare package, malinis na tubig at iba pa sa mga apektadong mamamayan na nawalan ng tahanan.
Anang proklamasyon, ipagkakaloob din ng EU ang pondo sa mga makataong organisasyon na nagsasagawa ng relief work sa mga apektadong lugar.
Salin: Vera