Nagpahayag si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng matinding kalungkutan at pagdadalamhati sa pagyao ni Pangulong Tran Dai Quang ng Vietnam. Yumao sa sakit si Pangulong Tran nitong Biyernes ng umaga, Setyembre 21, 2018, sa Hanoi.
Sa ngalan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), pamahalaang Tsino at kanyang sarili, ipinadala ni Pangulong Xi ang mensahe ng pakikiramay kay Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Biyetnam.
Sinabi ni Xi na bilang dakilang lider ng Biyetnam, malaki ang ibinigay na ambag ni Pangulong Tran sa kaunlaran ng bansa. Bilang matalik na kaibigan ng mga mamamayang Tsino, nagsikap din siya para mapasulong ang tradisyonal na pagkakaibigan at komprehensibong estratehikong partnership na pangkooperasyon ng Tsina't Vietnam, dagdag pa ni Xi.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag din ni Pangulong Xi ang paniniwalang sa pamumuno ni Pangkalahatang Kalihim Nguyen, gagawing lakas ang kapighatian ng partido, pamahalaan at sambayanan ng Vietnam para magtamo ng bagong progreso sa usaping sosyalista ng bansa.
Salin: Jade