Sinimulan ngayong araw, Lunes, ika-13 ng Agosto 2018, ang biyahe sa Biyetnam at Thailand ni Stephen Phillips, Director-General ng Invest Hong Kong, departamento ng pagpopromote ng pamumuhunan ng pamahalaan ng Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR).
Ayon sa naturang departamento, pupunta si Phillips sa Ho Chi Minh City ng Biyetnam at Bangkok ng Thailand. Magsasagawa siya ng mga aktibidad ng promosyon, para isalaysay ang mga pagkakataong komersyal sa ilalim ng plano ng konstruksyon ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area at Belt and Road Initiative.
Salin: Liu Kai