|
||||||||
|
||
Kung pag-uusapan ang kasipagan ng Nasyong Tsino, alam ito ng nakakaraming mamamayang Tsino. Nitong 40 taong nakalipas, natamo ng Tsina ang kapansin-pansing tagumpay at progreso. Ito ay hindi lamang dahil sa palagiang paggigiit ng mga lider Tsino sa estratehikong desisyon ng reporma at pagbubukas, kundi hindi ito maihihiwalay sa masipag na mga mamamayang Tsino. Binabago ng kasipagan ng mga mamamayang Tsino ang kanilang pamilya, lipunan, at buong bansa.
Sinulat ni Michael Moritz, partner sa Sequoia Capital, ang artikulo sa "Financial Times" kung saan nanawagan sa Silicon Valley na pag-aralan ang mga Chinese counterparts.
Sa taunang pulong ng Conservative and Unionist Party ng Britanya noong 2015, sinabi rin ni Ministrong Panlabas Jeremy Hunt ng bansang ito na dapat masipag na magtrabaho ang mga mamamayang Britaniko tulad ng mga mamamayang Tsino.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |