|
||||||||
|
||
Kinapanayam nitong Miyerkules, Oktubre 3 (local time), si Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Amerika ni Steve Inskeep, host ng Morning Edition ng National Public Radio (NPR), pinakamalawak na marinig na programang pambalita ng Estados Unidos. Sinagot ni Embahador Cui ang mga tanong may kinalaman sa relasyong Sino-Amerikano, digmaang pangkalakalan ng dalawang bansa, impluwensya ng Tsina, isyu ng South China Sea, isyung nuklear ng Korean Peninsula at iba pa.
Kaugnay ng digmaang pangkalakalan ng dalawang bansa, sinabi ni Cui na unang una, ayaw ng Tsina na magkaroon ng ganitong digmaan sa Amerika o ibang bansa. Umaasa aniya ang Tsina na malulutas ng dalawang bansa ang mga problema sa pamamagitan ng talastasan. Pero, kulang sinseridad ang panig Amerikano dahil nagbabago ang paninindigan nito. Bunga nito, hindi alam ng Tsina kung ano ang talagang gusto ng Amerika. Nakahanda aniya ang Tsina na marating ang kasunduan sa Amerika, at nakahanda rin ang Tsina na gumawa ng kompromiso, pero, kinakailangan din ito ng katapatan ng magkabilang panig.
Idinagdag pa ni Cui na nitong ilang buwang nakalipas, maraming kontak sa pagitan ng Tsina at Amerika. Halimbawa, ang mga mataas na opisyal na Amerikano na gaya ng Kalihim ng Tesorerya, Kalihim ng Komersyo, USTR at iba pa ang pumunta sa Tsina, samantalang ang matataas na opisyal ang pumarito sa Amerika. Mayroon kaming talastasan sa iba't ibang larangan. Nakahanda ang Tsina na bawasan ang trade deficit ng Amerika. Iniharap din ng Tsina ang proposal sa Amerika hinggil sa ibayo pang reporma at pagbubukas ng Tsina. Ilang kasunduan ang narating sa pagitan ng dalawang bansa, pero, kinabukasan tinanggihan ng Amerika ang kasunduan at nagbago ang pangangailangan.
Hinggil sa papel ng Amerika sa Silangang Asya, sinabi ni Cui na bilang mga bansang nasa magkabilang pampang ng Pacific Ocean, kinikilala ng Tsina ang interes at ginagampanang papel ng Amerika sa rehiyong ito. Kasabay nito, umaasa rin ang Tsina na kikilalanin ang legal na interes ng Tsina at ibang mga bansa sa rehiyon. Kailangang matutuhan at igalang ng Amerika ang kasaysayan, kultura at pangangailangan ng Tsina, dagdag pa ni Cui.
Tungkol sa isyu ng South China Sea, inulit ni Cui ang soberanya ng Tsina sa mga isla ng karagatan. Sinabi ni Cui na sa katotohanan, sa katapusan ng World War II, binawi ng pamahalaang Tsino ang mga islang sinakop ng Hapon, sa tulong ng hukbong pandagat ng Amerika. Inilahad din ni Cui na upang malutas ang alitan sa soberanya sa karagatan, itinatakda ng Tsina, kasama ng mga bansang ASEAN ang Code of Conduct (COC). Mabunga ang talastasan sa COC. Umaasa kaming makikiisa ang Amerika sa pagsisikap ng Tsina at mga bansang ASEAN, sa halip na hahadlangan ang proseso patungong talastasang pangkapayapaan.
Kaugnay ng pag-unlad ng Tsina sa hinaharap, sinabi ni Embahador Cui na ang pangmatagalang priyoridad at pinakamahalagang tungkulin ng Tsina ay pag-unlad ng sarili para matiyak ang mapayapa at mabuting pamumuhay ng mga mamamayang Tsino. Samantala, alam na alam din ng Tsina na hindi maaari itong umunlad kung ibubuklod ang sarili, at kailangang pahigpitin ng Tsina ang ugnayan sa daigdig. Sa proseso ng integrasyon sa pandaigdig na kabuhayan at pangangasiwa, nakahanda ang Tsina na magsabalikat ng mas maraming responsibilidad at magbigay ng mas malaking ambag. Idinagdag pa ni Cui na kung titingnan ng mga tao ang kultura at kasaysayan ng Tsina, malalaman nilang walang intensyong sumakop sa ibang bansa ang Tsina. Halimbawa, itinayo ng Tsina, mahigit 2000 taon na ang nakakaraan, ang Great Wall para lamang ipagtanggol ang sarili. Noong Dinastiyang Ming, kung kailan nagkaroon ang Tsina ng pinakamalakas na plota, maraming bansang pinuntahan ang nasabing plota para mapasulong ang kalakalan at wala itong itinayong kolonya.
Inulit din ni Cui ang di-nagbabagong paninindigan at suporta ng Tsina sa denuclearization ng Korean Peninsula. Ipinahayag din niya ang patuloy na pagkatig ng Tsina sa ginagawang pagsisikap ng Hilagang Korea, Timog Korea, at Amerika para ito.
Mababasa ninyo ang transcript ng panayam sa link ng official website ng NPR na https://www.npr.org/2018/10/03/654088777/transcript-nprs-interview-with-china-s-ambassador-to-the-u-s
salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |