Ipinatalastas Oktubre 7, 2018, ng Mass Transit Railway (MTR) na sapul nang isa-operasyon ang bahagi ng Hong Kong ng Guangzhou-Shenzhen-Hong Kong high speed train noong ika-23 ng Setyembre, na 880 libong person time na ang sumakay sa bahaging ito ng nasabing high speed train, at maalwan ang pagtakbo.
Mula noong ika-28 ng Setyembre hanggang ika-7 ng Oktubre, mga 650 libong person time ang pumasyal sa pagitan ng Hong Kong at mainland sa pamamagitan ng high speed train. Ayon pa sa datos ng MTR, mahigit isang milyong ticket ang naipagbili.
salin:lele