|
||||||||
|
||
Muling itinaas ng Tsina ang takdang bilis ng pagtakbo ng bullet train sa 350 kilometro kada oras makaraang ibaba ito sa 300 kilometro kada oras, 6 na taon ang nakakaraan.
Simula Huwebes, Setyembre 21, ang mga bullet train na Fuxing ay nagbibiyahe na sa pagitan ng Beijing at Shanghai, sa nasabing bagong bilis. Ang Fuxing ay nangangahulugang pagbangon sa wikang Tsino.
Salamat sa nasabing bagong takdang bilis, ang haba ng biyahe sa pagitan ng Beijing at Shanghai ay naibaba na sa 4 na oras at 28 minuto mula sa mahigit 5 oras.
Bilang isa sa mga pinakaabalang linya ng Tsina, ang Beijing-Shanghai high-speed railway na nag-uugnay ng kabisera ng Tsina at pangunahing hub na pinansyal at pangkalakalan sa dakong silangan ng bansa ay naghahatid ng mahigit 100 milyong pasahero bawat taon.
Sa kasalukuyan, ang Tsina ang may pinakamabilis na bullet train at pinakamahabang high-speed rail network sa daigdig kung saan 22,000 kilometro ang nasa operasyon.
Mga pasaherong pasakay sa Fuxing bullet train ng rutang Beijing-Shanghai high-speed railway, sa Shanghai Hongqiao Railway Station. Larawang kinunan Setyembre 21, 2017. (Xinhua/Fan Jun)
Mga train policemen habang nagsasagawa ng routine check sa loob ng Fuxing bullet train sa Beijing-Shanghai high-speed railway. Larawang kinunan Setyembre 21, 2017. (Xinhua/Fan Jun)
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |