MAGIGING paksa nina Pangulong Duterte at Widodo ang kalakal at terorismo sa kanilang pagkikita sa Bali, Indonesia bukas. Magaganap ito sa kanilang pagkikita na kasabay ng ASEAN Leaders' Gathering.
Nakatakdang dumating si Pangulong Duterte sa Bali, Indoneia ngayong gabi.
Ayon kay Philippine Ambassador to Indonesia (Leehong Tan Wee), maraming isyu ang tatalakayin ng dalawang pangulo tulad ng terorismo sa Celebes Sea na isang malaking problema. Ito ay nananatili sa likod ng pagtatangka ng tatlong magkakalapit na bansa, kabilang ang Malaysia na magsabay-sabay sa kanilang pagpapatrolya.
Nagkaroon na ng join patrol sa pagitan ng Indonesia at Pilipinas particular sa Celebes Sea upang mahigpitan ang seguridad laban sa mga militante at mga terorista.
Nakatakda ring buhayin ang naudlot na paglalakbay ng eroplano sa pagitan ng Davao at Manado sa Indonesia. Ang Manado ang siyang kapitolyo ng Sulawesi Province. Magkakaroon din ng fastfood mula sa Pilipinas na magbubukas sa Jakarta sa susunod na taon.
Nagkaharap ang dalawang pangulo sa ika-32 ASEAN Summit noong Abril sa Singapore. Nag-usap silang higit na palalakasi ang relasyon ng dalawang bansa.