BUHAY ang pagbabayanihan sa mga Filipinong nasa Beijing. Nagsimula ang pagtutulungan ng mga Filipino na tulungan ang isang kapwa Filipino na nagkaroon ng stroke at nangailangan ng salapi sa pagpapagamot.
Mula noon, pormal nang nakilala ang FilComBei o Filipino Community in Beijing sa pagtitipon sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing noong nakalipas na Disyembre ng 2017.
Nagpatuloy din ang FilComBei sa pagtulong at paglikom ng salapi. Noong nakalipas na Marso, idinaos nila ang Bingo for Charity at natulungan ang Dew Drops Little Flower sa Beijing at ang ICPRD sa Mindanao. Noong ikasiyam ng Setyembre, idinaos nila ang Pista sa Nayon na dinaluhan ng may 80 mga Filipino at Tsino at iba pang mga banyagang mamamayan at mga kaibigan.
Nakalikom ng may 3,000 Renmenbi at ipinadala na sa mg biktima ni "Ompong." Hindi nagtagal ay umabot sa 12,030 Renmenbi ang nalikom at ipinadala na sa pamamagitan ng bangko. Ipinadala rin ang salapi mula sa mga kasapi sa pamamagitan ng WeChat money transfer.