Sa sidelines ng Ika-17 Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Pamahalaan (Punong Ministro) ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) na ginanap nitong Biyernes sa Dushanbe, Tajikistan, nakipagtagpo si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Mukhammedkaliy Abylgaziyev, Punong Ministro ng Kyrgyzstan.
Sina Premyer Li (kanan) at Punong Ministro Abylgaziyev (kaliwa)
Kapuwa ipinahayag ng dalawang premyer ang pagpapahalaga sa pagkakatatatag ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina't Kyrgyzstan nitong nagdaang Hunyo. Nakahahanda silang ibayo pang pasusulungin ang nasabing partnership sa bagong antas. Napagkasunduan ng dalawang punong minisitro na magkasamang pasulungin ang Belt and Road Initiative (BRI), at palawakin ang kooperasyon sa kalakalan, pamumuhunan, agrikultura, turismo, at paglaban sa terorismo, ekstrimismo at separatismo.
Salin: Jade
Pulido: Rhio