Dumalo kahapon, Biyernes, ika-12 ng Oktubre 2018, sa Dushanbe, Tajikistan, si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Ika-17 Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Pamahalaan (Punong Ministro) ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).
Sinabi sa pulong ni Li, na sa kasalukuyan, marami ang mga walang-katatagang elemento sa kalagayang pandaigdig. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng mga ibang bansa ng SCO, na patingkarin ang mas malaking papel para sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito, at komong pag-unlad ng iba't ibang bansa.
Iminungkahi rin ng Premyer Tsino, na dapat palakasin ng iba't ibang kasaping bansa ng SCO ang kooperasyon sa seguridad, multilateral na kooperasyon sa kabuhayan at kalakalan, pandaigdig na kooperasyon sa production capacity, kooperasyon sa konektibidad, kooperasyon sa inobasyon, at pagpapalitan ng mga mamamayan.
Dumalo rin sa pulong ang mga punong ministro ng Tajikistan, Rusya, Kazakhstan, Kyrgyzstan, at Uzbekistan, mga kinatawan ng Pakistan at Indya, at mga kinatawan ng mga bansang tagamasid ng SCO.
Salin: Liu Kai