Isiniwalat Oktubre 15, 2018, ni Peng Huagang, Pangalawang Direktor ng State-owned Assets Supervision and Administration Commission ng State Council (SASAC) ng Tsina na noong unang tatlong kuwarter ng taong ito, umabot sa mahigit 21 trilyong yuan RMB ang kabuuang tubo ng mga 100 sentral na kompanyang ari ng estado o Central State-owned Enterprise (SOE). Ito'y lumaki ng 11% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon.
Dagdag pa riyan, sa unang tatlong kuwarter ng taong ito, umabot sa 1.5 trilyong Yuan RMB ang fixed assets investment ng naturang mga kompanya, at ito ay lumaki ng 2.7% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon. Ang pamumuhunan ay pangunahing nagpokus sa mga larangang gaya ng pamumuhay ng mga mamamayan, berdeng pag-unlad, siyensiya't teknolohiya at iba pa.
salin:Lele