|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina--Ipinahayag ng pamahalaang Tsino ang mainit na pagtanggap sa iba't ibang uri ng bahay-kalakal na kinabibilangan ng mga kompanyang dayuhan na makilahok sa reporma sa pagsasama-sama ng pagmamay-ari ng mga bahay-kalakal na ari ng estado (SOE).
Sa preskon Sabado, Marso 10, 2018, sa idinaraos na taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, ipinahayag ni Xiao Yaqing, Puno ng State-owned Assets Supervision and Administration Commission (SASAC), ang pananangan ng Tsina sa pagbubukas sa labas at pagpapatupad sa nabanggit na pagsasama-sama sa pagmamay-ari ng mga SOE.
Si Xiao Yaqing, Puno ng State-owned Assets Supervision and Administration Commission (SASAC), sa preskon, Marso 10, 2018. (Xinhua/Wang Peng)
Layon ng nasabing reporma na pag-iba-ibahin ang pagmamay-ari ng mga SOE. Ipinangako rin niyang mapapangalagaan ang karapatan at interes ng lahat ng mga mamumuhunan sa reporma.
Ang China Unicom, higanteng telekomunikasyon, ay isa sa mga SOE na makakaranas ng nasabing reporma. Inaasahang papapasukusin sa China Unicom ang mga pribadong puhunan, sa pamamagitan ng pag-isyu ng sosyo.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |