Idinaos sa Singapore nitong Biyernes, Oktubre 19, ang Ika-9 na Di-pormal na Pulong ng mga Ministrong Pandepensa ng Tsina at ASEAN. Magkasamang nangulo sa pulong sina Wei Fenghe, Kasangguni ng Estado at Ministrong Pandepensa ng Tsina at Ng Eng Hen, Ministrong Pandepensa ng Singapore, bansang tagapangulo ng ASEAN.
Ipinahayag ni Wei ang patuloy ng pagkatig ng Tsina sa konstruksyon ng ASEAN Community at pagtatatag ng balangkas na panseguridad ng Asya-Pasipiko kung saan ang ASEAN ay gumaganap ng nukleong papel. Ipinahayag din ni Wei ang kahandaan ng Tsina na itatag, kasama ng ASEAN ang mas mahigpit na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina't ASEAN.
Nagkasundo ang dalawang panig na palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang antas para magkasamang pangalagaan ang katatagan at kasaganaan ng rehiyon.
Salin: Jade
Pulido: Mac