Binuksan Martes, Abril 24, 2018 ang Ika-3 China-ASEAN Youth Forum, sa Shandong University, Jinan, Shandong Province, Tsina. Batay sa tema ng nasabing porum na "Teknolohiya at Inobasyon," tinalakay ng mga kabataan mula sa Tsina at 10 bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) kung paano paglilingkuran ang pagtutulungang Sino-ASEAN sa hinaharap, sa mga larangan ng gaya ng sustenableng pag-unlad, pagtutulungang panrehiyon, at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay.
Ang taong 2018 ay Taon ng Inobasyon ng Tsina at ASEAN at ito rin ay ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN.
Ang nasabing porum ay nasa pagtataguyod ng ASEAN-China Center (ACC) na nakabase sa Tsina. Itinatag noong 2011, ang layon ng ACC ay pasulungin ang mga pragmatikong pagtutulungan sa pagitan ng Tsina at ASEAN sa larangan ng kalakalan, puhunan, edukasyon, kultura, turismo at pamamahayag.
Salin: Jade
Pulido: Rhio