Port Moresby, Papua New Guinea--Sa kanyang pakikipagtagpo sa mga mamamahayag makaraang makipag-usap sa ministrong panlabas ng Papua New Guinea, ipinahayag Oktubre 31, 2018 ni Wang Yi, dumadalaw na Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina na ang pag-unlad ng kanyang bansa ay usaping makakabuti sa progreso ng buong sangkatauhan. Ang pagpawi aniya ng karalitaan ng halos 1.4 bilyong mamamayang Tsino ay pinakamalaking ambag sa buong daigdig.
Ipinahayag naman ni Rimbink Pato, Ministrong Panlabas ng Papua New Guinea na ang pag-unlad ng Tsina ay nagiging modelo para sa mga umuunlad na bansa. Bukod dito, nagbibigay rin aniya ang Tsina ng mahalagang ambag para sa pag-unlad ng lipunan at kabuhayan ng mga bansang islang kinabibilangan ng kanyang bansa. Hindi isinasapanganib ng Tsina ang kanyang bansa, dagdag niya.
salin:Lele