Kinatagpo noong ika-21 ng Hunyo, 2018, dito sa Beijing ni Xi Jinping, Pangulo ng Tsina si Peter O'Neill, Punong Ministro ng Papua New Guinea.
Tinukoy ni Xi na ang Papua New Guinea ay bansang may mahalagang impluwensiya sa Pasipiko. Aniya, pormal na sumapi kamakailan ang Papua New Guinea sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), at naging unang bansa ng Pasipiko na lumagda sa memorandum ng kooperasyon ng Belt and Road Initiative (BRI). Dapat palawakin ng Tsina at Papua New Guinea ang pragmatikong kooperasyon sa ilalim ng BRI, aniya pa. Nakahandang pahigpitin ang koordinasyon ng dalawang panig, ani Xi, at kumakatig ang Tsina sa pagho-host ng Papua New Guinea ng summit ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa taong ito.
Ipinahayag naman ni O'Neill na nagsisikap ang kanyang bansa para palalimin ang estratehikong partnership sa Tsina. Matatag aniya siyang nananangan sa patakarang "Isang Tsina." Sinabi pa pinahahalagahan ng kanyang bansa ang BRI na iniharap ni Pangulong Xi ng Tsina para sa komong kasaganaan, at umaasa rin siyang lalawak pa ang kooperasyon ng dalawang panig sa kabuhayan, kalakalan at pamumuhunan. Nakahanda rin aniya ang Papua New Guinea na pahigpitin ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.
salin:Lele