Ayon sa Doing Business Report 2019 na inilabas ng World Bank nitong Miyerkules, Oktubre 31, malaking bumuti ang kapaligirang pang-negosyo ng Tsina na nahahanay sa ika-46 na puwesto sa lahat ng 190 ekonomiya. Ito ay mas mataas ng 30 katayuan kumpara sa tinalikdang taon.
Bunga nito, ang Tsina ay isa sa sampung ekonomiyang may pinakamalaking pagbuti.
Ayon sa nasabing ulat, sa sampung pangunahing aspekto, ang Tsina ay nagkaroon ng katangi-tanging pagbuti sa kaginhawahan ng pagsasagawa ng negosyo at pagkukuha ng koryente, na tumaas sa ika-28 at ika-14 puwesto mula sa ika-93 at ika-98 puwesto ayon sa pagkakasunod. Kasabay nito, kahanga-hanga rin ang pagbabago ng Tsina sa limang larangan na kinabibilangan ng pagbibigay ng pahintulot sa konstruksyon, pagpapatala ng ari-arian, pangangalaga sa minoryang mamumuhunan, pagbabayad ng buwis, at cross-border na kalakalan.
Ang naturang taunang ulat ng World Bank ay sinimulang ilabas noong 2003.
Salin: Jade