Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga PM ng Tsina at Singapore, nag-usap; bilateral na kooperasyon, susulong pa

(GMT+08:00) 2018-11-13 09:02:34       CRI

Nag-usap nitong Lunes, ika-12 ng Nobyembre 2018, sa Singapore, sina dumadalaw na Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore.

Ipinahayag ni Li, na ang Singapore ay matalik na kapitbansa at mahalagang katuwang ng Tsina. Matibay aniya ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang bansa, mabunga ang pragmatikong kooperasyon, at sila ay mahalagang magkakatuwang sa kalakalan at pamumuhunan. Ipinahayag nila ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Singapore, na walang humpay na pasulungin sa bagong antas ang relasyon ng dalawang bansa.

Tinukoy ni Li, sa kanyang pagdalaw na ito, narating ng Tsina at Singapore ang mga kasunduang pangkooperasyon, at sa gayon, isasagawa ng dalawang bansa ang mas malalim na kooperasyon sa mga bagong larangan. Lalung-lalo na aniya, maalwang natapos ang talastasan ng dalawang bansa hinggil sa pag-a-upgrade ng kasunduan sa malayang kalakalan, at ito aniya ay makakatulong sa pagpapataas ng lebel ng kalakalan at pamumuhunan ng dalawang panig.

Binigyang-diin din ni Li, na itinataguyod ng Tsina ang integrasyong pangkabuhayan sa Silangang Asya, at kinakatigan ang nukleong posisyon ng ASEAN sa rehiyonal na kooperasyon. Hinahangaan aniya ng Tsina ang mga pagsisikap na ginawa ng Singapore bilang tagapangulong bansa ng ASEAN. Ipinahayag din ni Li ang pag-asang, tatapusin sa lalong madaling panahon ang talastasan sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), at pabibilisin ang pagsasanggunian hinggil sa Code of Conduct in the South China Sea (COC).

Ipinahayag naman ni Lee, na mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng Singapore at Tsina, at walang humpay na nagtatamo ng bagong bunga ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan. Dagdag niya, ang pag-a-upgrade ng kasunduan sa malayang kalakalan ay magdudulot ng aktuwal na kapakinabangan sa mga bahay-kalakal at mamamayan ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang Singapore na ibayo pang paunlarin ang relasyong ASEAN-Sino, pasulungin ang pagsasanggunian sa COC, at umaasa ring mararating sa lalong madaling panahon ng RCEP.

Pagkaraan ng pag-uusap, sinaksihan ng dalawang lider ang paglalagda sa mga kasunduan ng Tsina at Singapore sa mga aspekto ng pag-a-upgrade ng kasunduan sa malayang kalakalan, interkonektibidad, pinansyo, siyensiya't teknolohiya, kapaligiran, kultura, adwana, at iba pa.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>