Sa isang pahayag na inilabas Lunes, Nobyembre 12, 2018, ng Department of Trade and Industry (DTI) ng Pilipinas, sinabi nito na sa kapipinid na unang China International Import Expo (CIIE), natamo ng mga bahay-kalakal ng Pilipinas ang mga order na nagkakahalaga ng mahigit 100 milyong dolyares. Anito, oorganisahin ng pamahalaang Pilipino ang mas malaking pakikilahok ng mga bahay-kalakal sa CIIE sa susunod na taon.
Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na ang mga espesyal na produktong agrikultural ng Pilipinas ay mainit na tinanggap at kinilala ng mga mamimiling Tsino sa nasabing CIIE. Ito aniya ay isang "napakalaking tagumpay" para sa mga bahay-kalakal ng kanyang bansa.
Salin: Li Feng