Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

China International Import Expo, nagbukas ng bagong pinto para sa komong kaunlaran

(GMT+08:00) 2018-11-10 18:42:02       CRI

Idinaraos ngayon sa Shanghai ang kauna-unahang China International Import Expo (CIIE), kung saan kalahok ang delegasyon ng Pilipinas na pinamumunuan ni Kalihim Ramon Lopez ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (DTI), kasama ang mga kinatawan mula sa mahigit 170 bansa, rehiyon at organisasyong pandaigdig, at mahigit 3,000 bahay-kalakal.

Kasabay ng pagtatanghal ng mga hay-tek na produkto mula sa mga maunlad na bansa, ipinakilala rin ng mga umuunlad na bansa at pinaka-di-maulad na bansa ang kani-kanilang natatanging produkto at yamang panturismo at pangkultura. Kabilang dito, 35 sa 44 na pinaka-di-maunlad na bansa sa daigdig ang dumalo sa CIIE.

Mga produkto galing sa Turkey

Wild honey na galing sa Zambia

Sumasalamin ang kasalukuyang ekspo sa ideya na iniharap ng Tsina hinggil sa pagtatatag ng komunidad ng daigdig na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan, na nagtatampok sa pagiging inklusibo at komong kasaganaan.

Sa ilalim ng lumalalang paglaban sa globalisasyon, pinakaapektado ang mga umuunlad na bansa at pinaka-di-maunlad na bansa na nasa ibabang bahagi ng Global Value Chains (GVCs). Upang maisakatuparan ang UN 2030 Agenda para sa sustenableng pag-unlad, kailangang magbuklod ang lahat ng mga bansa para mapasulong ang komong kaunlaran. Sa aspektong ito, masasabing ang kasalukuyang CIIE ay nagbukas ng bagong pinto para sa komong kasaganaan.

Salin: Jade
Pulido: Mac
Larawan: CRI/Sheng Yuhong

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>