Sa seremonya ng pagbubukas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Business and Investment Summit na ginanap sa Singapore Lunes, Nobyembre 12, 2018, nanawagan si Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore na dapat pasulungin ng mga bansang ASEAN ang multilateralismo, at ibayo pang palakasin ang pagbubukas at pagsasama-sama.
Ani Lee, lampas sa 600 milyon ang populasyon ng sampung (10) bansang ASEAN. Ito aniya ay nagsisilbing ika-4 na pinakamalaking ekonomiya sa buong daigdig, at may pag-asang magiging ika-4 na pinakamalaking ekonomiya sa taong 2030. Sinabi niya na ang ASEAN Economic Community (AEC) ay may napakalaking potensyal na ekonomiko. Kung talagang nais patingkarin ang nasabing potensyal, dapat magkaisa ang iba't-ibang bansang ASEAN at ibayo pang palakasin ang kanilang pagbubukas sa labas, aniya pa.
Tinukoy din niya na kasalukuyang isinusulong ng ASEAN ang isang serye ng inisyatiba upang ibayo pang mapasulong ang pagpapalagayang pangkalakalan at pampamumuhunan sa pagitan ng mga kasaping bansa nito.
Salin: Li Feng