Sa kasalukuyan, dumadalaw sa Singapore si Premyer Li Keqiang ng Tsina, at dadalo siya sa isang serye ng mga summit ng kooperasyon ng Silangang Asya. Kaugnay nito, sa kanyang panayam sa China Radio International, ipinahayag ni Xu Liping, Mananaliksik ng National Institute of International Strategy ng Chinese Academy of Social Sciences, na ang kasalukuyang taon ay ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Aniya, sa hinaharap, malawak ang prospek ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN, lalong lalu na, patataasin at i-a-upgrade ang kooperasyon ng kapuwa panig.
Bukod dito, nagkaroon ng substansiyal na progreso ang talastasan ng ASEAN at mga bansang gaya ng Tsina hinggil sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP). Sa tingin ni Xu, ang ganitong progreso ay nakapagpatingkad ng mas maraming positibong puwersa para sa kasalukuyang kabuhayang pandaigdig.
Salin: Vera