Sa panahon ng kanyang pagdalo sa isang serye ng mga pulong ng mga lider ng kooperasyon ng Silangang Asya sa Singapore, idinaos kaninang umaga, Miyerkules, Nobyembre 14, 2018 ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, kasama ng kanyang Canadian counterpart na si Justin Trudeau ang ika-3 taunang diyalogo ng mga punong ministro ng Tsina at Canada.
Binigyan ng kapuwa panig ng positibong pagtasa ang pangkalahatang pag-unlad ng relasyong Sino-Canadian at natamong progreso ng kanilang kooperasyon sa iba't ibang larangan. Kapuwa ipinahayag nilang patuloy na pasusulungin ng dalawang bansa ang talastasan sa Free Trade Agreement (FTA), hindi tatanggapin ang epekto ng paninindigan ng ibang bansa, at ipapadala sa daigdig ang positibong signal ng ibayo pang pagpapasulong ng dalawang bansa ng relasyong pangkabuhaya't pangkalakalan, at pangangalaga sa malayang kalakalan. Nagpalitan din sila ng kuru-kuro tungkol sa isyu ng reporma ng World Trade Organization (WTO).
Salin: Vera