Inilabas Nobyembre 27, 2018, ang artikulo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa ABC diyaryo ng Espanya.
Anito, nitong 45 taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Espanya, laging iginagalang ng dalawang bansa ang isa't isa at iginigiit ang pagkakapantay at kooperasyong may mutuwal na kapakinapangan, at malusog at matatag ang pag-unlad ng bilateral na relasyon.
Umaasa aniyang sisimulan ang mas magandang hinaharap para sa relasyon ng Tsina at Espanya sa pamamagitan ng pagdalaw niya.
Sinabi ni Xi sa artikulong ang taong ito ay ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Unyong Europeo. Anito, laging kumakatig ang Tsina sa integrasyon ng Europa, at sa kasalukuyang kalagayan, at ang patuloy na pagpapalalim ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at EU ay angkop sa komong interes ng dalawang panig.
salin:Lele