Mula noong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 1 (local time), 2018, dumalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-13 Summit ng Group 20 (G20) na ginanap sa Buenos Aires, Argentina.
Kaugnay ng isyu ng kalakalan, tinukoy ni Xi na una, dapat igiit ng iba't-ibang kasaping bansa ng G20 ang ideya ng pagbubukas at malayang kalakalan, at panatilihin at palawakin ang pagbubukas ng pamilihan; ikalawa, dapat igiit ang inklusibong atityud upang makinabang ang mga mamamayan ng iba't-ibang bansa sa globalisasyong pangkabuhayan; at ikatlo, dapat igiit ang mga regulasyon para magkaloob ng mainam na kapaligirang pansistema sa malusog na pag-unlad ng kalakalang pandaigdig.
Kaugnay naman ng pagbabago ng klima, tinukoy ni Xi na ang pagbabago ng klima ay isang malaking hamong may kaugnayan sa kapalaran ng buong sangkatauhan. Kailangan aniyang magkakasamang magsikap para harapin ito.
Ayon sa ulat, ipininid noong Sabado ang Ika-13 G20 Summit. Pinagtibay sa summit ang "Deklarasyon ng G20 Summit sa Buenos Aires."
Salin: Li Feng