Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagbabalik ng mga batingaw ng Balangiga, ipinaliwanag

(GMT+08:00) 2018-12-11 13:54:46       CRI

MATAGAL na panahon ang ginugol sa pagbabalik ng mga batingaw ng Balangiga at 'di dahilan sa anumang pangyayari o pahayag. Ito ang sinabi ni Bb. Molly Koscina ng Embahada ng Estados Unidos sa Maynila.

Sa isang pahayag, sinabi ng tagapagsalita ng Embahada ng Estados Unidos na maraming mga naging pangulo, mga kalihim ng Tanggulang Pambansa, mga Americano at Pilipinong naglingkod bilang mga ambassador na kumilos na maibalik ang mga batingaw.

Hindi ito dahilan ng anumang pangyayari at pahayag na naging dahilan ng pagbabalik ng kontrobersyal na mga batingaw na sinamsam ng mga Americano matapos ang madugong bahagi ng kasaysayan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos noong nakalipas na daang-taon.

Darating ang mga batingaw sa Pilipinas bukas, dalawang taon matapos manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte na nagbitiw ng mga maaanghang na salita hinggil sa mga batingaw.

Ito ang reaksyon ni Bb. Koscina sa pakiramdam ng ilang napilitan lamang ang Pamahalaan ng Estados Unidos na ibalik ang mga batingaw dahil sa mga pahayag ni G. Duterte laban sa mga Americano.

Nakalipas na ang 117 taon na nararapat nang maghilom ang mga sugat noong nakalipas na daangtaon.

Tulad ng sinabi ni US Defense Secretary James Mattis na nararapat nang magwakas ang lahat ng mga digmaan at dumating na ang tamang panahon. Isang oportunidad umano itong ipinid ang bahagi ng kasaysayan at umaasa pa ring mananatili ang matagal nang pagkakaibigan ng dalawang bansa, dagdag pa ni Bb. Koscina.

Nabalam umano ang pagsasauli dahil sa mga isyung legal tulad ng National Defense Authorization Act na nagbabawal ng pagsasauli ng anumang kagamitang nakamtan sa pamamagitan ng digmaan.

Mayroon ding National Defense Appropriations Act na nag-uutos sa pamahalaan ng America na magpalugit ng 90 araw kung sakaling may pupuna sa pagsasauli ng mga batingaw.

Nawalan na ng bisa ang National Defense Authorization Act noong Setyembre. Naging mahalaga ang pag-uusap nina Defense Secretary Lorenzana at Mattis noong Oktubre ng taong 2017 kaya't nadali ang pagdadalang pauwi sa mga batingaw.

May tatlong kasunduang nilagdaan ang Pilipinas at Estados Unidos, at ang mga ito ay ang 1951 Mutual Defense Agreement, ang 1999 Visiting Forces Agreement at ang Enhanced Defense Cooperation Agreement noong nakalipas na 2016.

Idinagdag pa ni Bb. Koscina na ang mga batingaw ay nasa US Military Base sa Okinawa, Japan at dadalhin sa Villamor Air Base bukas at ihahatid naman sa Borongan, Eastern Samar.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>