Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Senador Antonio Trillanes IV, ipinadarakip ng hukuman sa Davao sa kasong libelo

(GMT+08:00) 2018-12-07 19:46:41       CRI

INIUTOS ni Judge Melinda Alconcel – Dayanghirang ng Davao City Regional Trial Court Branch 54 na dakpin si Senador Antonio Trillanes IV sa kasong libelo. Maaaring magpiyansa ang sinumang akusado ng libelo.

Nagkakahalaga ang piyansa ng P 24,000. Nag-ugat ang kaso sa reklamo ni dating Vice Mayor Paolo Duterte, anak ni Pangulong Duterte. Iniugnay ni Senador Trillanes ang dating bise-alkalde sa pagpupuslit ng bilyong pisong halaga ng shabu at pangingikil mula sa Uber at iba pang mga kumpanya.

Hindi pa mabatid kung alin sa mga reklamo ang nakarating na sa mga hukuman kaya't nag-utos na ang hukom na dakpin ang senador na madalas pumuna kay Pangulong Duterte at sa kanyang pamilya.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>