Nagdesisyon Lunes, Disyembre 10, 2018 ang Court of Justice ng Unyong Europeo (EU) na maaaring unilateral na isagawa ang pagpigil ng Britanya sa kahilingan nitong umalis sa EU, o Brexit. Kung iuurong ang kahilingan, pananatilihin ng Britanya ang pagtatamasa ng mga umiiral na karapatan at kapakanan bilang kasaping bansa ng EU.
Binigyang-diin din ng nasabing hatol na bago gumawa ng desisyon ng pag-urong ng kahilingan, dapat makapasa ang isang kasaping bansa sa mga demokratikong proseso na angkop sa kahilingan ng konstitusyon ng sariling bansa, at isumite ang nakasulat na kahilingan ng pag-uurong sa European Council. Kung isusumite ang kahilingan sa pag-uurong, walang pagbabago sa karapatan at katayuan ng kaukulang kasaping bansa sa loob ng EU, at automatikong ititigil ang proseso ng pag-aalis sa EU.
Salin: Vera