Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Tsino, kinatagpo ang mga kalahok sa 2018 Imperial Springs International Forum; multilateralismo't pagbubukas, ipinagdiinan

(GMT+08:00) 2018-12-13 06:28:01       CRI

Inulit ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pananangan ng bansa sa landas ng multilateralismo at pagbubukas sa labas.

Winika ito ni Xi sa kanyang pakikipag-usap sa mga panauhing dayuhang kalahok sa 2018 Imperial Springs International Forum (ISIF) na ginanap sa Guangzhou, punong lunsod ng Guangdong sa dakong timog ng Tsina.

Ani Xi, ang kasalukuyang taon ay ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng bansa ng reporm't pagbubukas sa labas. Ipinagdiinan niyang sa prosesong ito, ipinauuna ng Tsina ang mga interes at benepisyo ng mga mamamayan. Ipinahayag din ni Xi na lipos ang kompiyansa ng Tsina sa pagpapanatili ng katamtaman at mabilis na paglaki ng pambansang kabuhayan, tungo sa mas de-kalidad na pag-unlad. Inulit din ni Xi na layon ng pagharap ng Tsina ng Belt and Road Initiative (BRI) na pasulungin ang komong kasaganaan, at laging nananatiling bukas at inklusibo ang inisyatiba.

Ipinahayag naman ng mga panauhing dayuhan na ang reporma't pagbubukas sa labas ng Tsina ay nagdulot hindi lamang ng kamangha-manghang pagbabago para sa sariling bansa, kundi ng positibong impluwensiya sa daigdig. Kinilala rin nila ang mga benepisyo sa iba't ibang bansa na dulot ng pag-unlad ng Tsina at magkakasamang pagpapasulong ng BRI. Ipinahayag din nila ang suporta sa multilateralismo.

Binuksan nitong Lunes, ang 2018 Imperial Springs International Forum. Ang tema ng dalawang araw na porum ay Pagpapasulong ng Reporma't Pagbubukas, at Pagsasagawa ng Win-win na Kooperasyon. Lumahok dito ang mahigit 200 dating puno ng estado at ng pamahalaan, mga kinatawan ng mga pandaigdig na organisasyon, dalubhasa, at business leader mula sa iba't ibang bansa.

Ang ISIF ay magkasamang itinatag ng Chinese People's Association for Friendship with Foreign Countries (CPAFFC) at Australia-China Friendship and Exchange Association (ACFEA), noong 2014.

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>