|
||||||||
|
||
Miyerkules, Disyembre 12, 2018, nag-isyu ng white paper ang pamahalaang Tsino hinggil sa pag-unlad at progreso ng usapin ng karapatang pantao ng bansa, nitong nakalipas na 40 taon sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas. Sa pamamagitan ng mga masagana't konkretong datos, inilahad ng white paper ang bagong ideya ng pag-unlad ng karapatang pantao ng Tsina na binuo nitong nakalipas na 40 taon, at mga tagumpay sa mabisang pagsasakatuparan ng komprehensibong pag-unlad ng iba't ibang karapatang pantao. Tinukoy nitong matagumpay na hinanap ng Tsina ang isang landas ng pag-unlad ng karapatang pantao na angkop sa sariling kalagayan ng estado, at nilikha ang bagong karanasan at himala ng paggarantiya sa karapatang pantao sa kasaysayan ng sibilisasyon ng sangkatauhan.
Ano ang kamalayan ng Tsina sa karapatang pantao? Sa talakayan bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagkalalabas ng Universal Declaration of Human Rights na ginanap kamakailan sa Beijing, ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang liham na pambati. Anang liham, ang maligayang pamumuhay ng mga mamamayan ay pinakamalaking karapatang pantao.
Tinukoy ng white paper na pagkaraan ng 40 taong reporma't pagbubukas, nabuo ng Tsina ang bagong ideya ng pag-unlad ng karapatang pantao na ang sentro nito ay mga mamamayan, ang pinakamahalagang pundamental na karapatang pantao ay karapatan sa buhay at pag-unlad, ang paraan ay komprehensibong pagpapalakas ng konstruksyon ng pangangasiwa sa karapatang pantao batay sa batas, at ang target ay komprehensibo't koordinadong pag-unlad ng iba't ibang karapatang pantao.
Ang pag-unlad ng karapatang pantao ng Tsina ay ipinakikita rin ng mga pragmatiko't mabisang aksyon. Ayon sa white paper, 40 taon na ang nakararaan, iginalang, iginarantiya at pinasulong ng Tsina ang karapatang pantao, sa proseso ng reporma't pagbubukas. Ang kaukulang kaisipan ay hindi lamang inilakip sa konstitusyon ng bansa at pambansang estratehiya't plano sa pag-unlad, kundi ginawang mahalagang prinsipyo ng administrasyon.
Tulad ng konklusyong ginawa ng white paper, walang pinakamagandang karapatang pantao, magiging paganda nang paganda lamang ang karapatang pantao. Sa mas malawakang reporma't pagbubukas sa mas mataas na lebel, gagawa ang Tsina ng bagong ambag para sa usapin ng pag-unlad ng karapatang pantao ng mundo.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |