Ipinahayag Lunes, Disyembre 10, 2018 ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina na tulad ng maraming umuunlad na bansa, tinututulan ng panig Tsino ang pagsasapulitika ng isyu ng karapatang pantao, at pagsasagawa ng mapagpipilian at dobleng istandard.
Sa paggunita kahapon ng Human Rights Day, kapuna-punang marami ang pagkakaiba ng mga umuunlad na bansa at bansang kanluranin sa larangan ng karapatang pantao. Winika ito ni Lu nang sagutin ang tanong ng mamamahayag tungkol sa kanyang pananaw sa kooperasyong pandaigdig sa larangang ito.
Dagdag pa ni Lu, ang pagpapasulong at pangangalaga sa karapatang pantao ay komong mithiin ng sangkatauhan. Dapat aniyang walang humpay na pasulungin ng iba't ibang bansa ang pag-unlad ng usapin ng karapatang pantao, ayon sa sarili nilang kalagayan. Nakahanda aniya ang panig Tsino na batay sa pagkakapantay-pantay at paggagalangan, palakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa iba't ibang panig sa larangan ng karapatang pantao.
Salin: Vera