Ayon sa pinakahuling datos na inilabas nitong Huwebes, Disyembre 13, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong unang 11 buwan ng taong ito, umabot sa 54,703 ang bilang ng mga bagong tatag na bahay-kalakal na may puhunang dayuhan sa bansa, at mas mataas ito ng 77.5% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2017.
Ayon din sa datos, umabot sa 793.27 bilyong yuan RMB ang aktuwal na ginamit na pondong dayuhan ng Tsina, nitong 11 buwang nakalipas. Mas mababa ito ng 1.3% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon, pero nanatiling matatag.
Ayon naman sa pinakahuling ulat ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD), noong unang hati ng taong 2018, bumaba ng 41% ang direktang puhunang dayuhan (FDI) ng buong daigdig kumpara sa gayunding panahon ng 2017, at gayunpaman, nahigitan ng Tsina ang Amerika at naging pinakamalaking bansang may puhunang dayuhan.
Salin: Jade
Pulido: Mac