Ayon sa ulat na ipinalabas kamakaialan ng The United Nations Conference on Trade and Development ( UNCTAD ), noong taong 2017, ang Tsina ay naging Ika-2 pinakamalaking destinasyon ng Foreign Direct Investment (FDI), at Ika-3 pinakamalaking investor sa ibang bansa ng daigdig. Ayon pa sa ulat, ang Tsina ay siya ring pinakamalaking destinasyon ng FDI ng mga umuunlad na bansa at pinakamalaking investor sa sa mga umuunlad na bansa.
Ipinahayag ni Zhan Xiaoning, isang opisyal ng UNCTAD na nitong ilang taong nakalipas, inilabas ng Tsina ang isang serye ng mga benepisyong pampatakaran. Sa pamamagitan ng mga ito aniya, ang FDI ng Tsina ay may pag-asang mapapanatili sa mataaas na lebel sa hinaharap.