Kinumpirma kahapon, Lunes, ika-24 ng Disyembre 2018, ng National Agency for Disaster Countermeasure ng Indonesya, na ang landslide sa seabed na dulot ng pagsabog ng bulkang Anak Krakatau, na katumbas ng 3.4 magnitude na lindol, ay ang pangunahing sanhi ng tsunami na naganap noong ika-22 ng gabi sa Sunda Straits sa bansang ito.
Ayon pa rin sa naturang ahensiya, sumasabog pa rin ang Anak Krakatau, at dapat lumayo sa baybayin ang mga mamamayan.
Samantala, naglakbay-suri kahapon ng umaga si Pangulong Joko Widodo ng Indonesya sa mga apektadong lugar ng tsunami. Ini-utos niyang bigyang-priyoridad ang pagbibigay-tulong sa mga mamamayan.
Ayon naman sa estadistika ng panig opisyal ng Indonesya, hanggang alas-5 hapon, kahapon, umabot na sa 373 katao ang namatay sa tsunami, 1459 iba pa ang nasugatan, at 128 ang nawawala. Nawalan din ng tahanan ang mahigit 5 libong tao.
Salin: Liu Kai