Ayon sa pinakahuling ulat ng national disaster management agency ng Indonesya, hanggang kaninang tanghali, Linggo, ika-23 ng Disyembre 2018, 168 tao ang nasawi, 745 iba pa ang nasugatan, at 30 iba pa ang nawawala sa tsunaming naganap kagabi sa Sunda Strait sa gawing kanluran ng bansang ito. Samantala, nawasak ang 430 pribadong tahanan at 9 na otel.
Ayon naman sa pagmomonitor ng meteorology and geophysics agency ng Indonesya, walang naganap na lindol noong panahon ng tsunami. Ipinalalagay nitong, ang tsunami ay sanhi ng landslide sa seabed na dulot ng pagsabog ng bulkang Anak Krakatau.
Salin: Liu Kai