Isinagawa kahapon, Sabado, ika-5 ng Enero 2019, ng mga opisyal ng pamahalaan ng Amerika at mga kinatawan ng Democratic Party sa Kongreso ang pagsasanggunian hinggil sa paglaan ng pondo para sa konstruksyon ng border wall sa pagitan ng Amerika at Mexico. Hindi nagtamo ng substansyal na breakthrough ang pagsasanggunian. Dahil dito, patuloy pa ang shutdown ng pamahalaang pederal ng Amerika, na sinimulan noong ika-22 ng nagdaang Disyembre.
Sinang-ayunan din ng dalawang panig, na patuloy na magtatagpo para talakayin ang nabanggit na isyu.
Nauna rito, ipinahayag minsan ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, na kung hindi papayag ang Democratic Party sa kahilingan ng paglaan ng mga pondo para sa border wall, handa na siya para tumagal nang ilang buwan o ilang taon ang shutdown ng pamahalaan.
Salin: Liu Kai