|
||||||||
|
||
Ayon sa isang bagong ulat na isinapubliko Biyernes, Nobyembre 23, 2018, ng pamahalaang Amerikano, inamin nitong ang pagbabago ng klima ay nagdudulot ng maraming pinsala sa Amerika sa mga aspektong gaya ng agrikultura, enerhiya, lupa, yamang-tubig, at kalusugan ng mga mamamayan.
Sa nasabing ulat pangunahing tinaya ang epekto at katugong hakbanging dulot ng pagbabago ng klima sa bansa. Ito ang ikalawang bahagi ng ulat ng "Pagtaya sa Klima ng Bansa" sa pinakahuling bersyon. Hinihiling ng Kongresong Amerikano na isagawa ang isang pagtaya sa naturang ulat kada Abril ng bawat taon.
Ipinakikita ng ulat na sa kasalukuyang siglo, magdudulot ang climate change ng napakalaking pinsala sa kabuhayang Amerikano. Noong Hunyo ng nagdaang taon, idineklara ni US President Donald Trump ang pagtatalikod ng Amerika sa "Paris Agreement." Sinabi niya na ang kasunduang ito ay nagdulot ng pasaning pangkabuhayan ng bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |