Ipinahayag Sabado, Enero 12, 2019, ni Miao Wei, Ministro ng Teknolohiya ng Industriya at Impormasyon ng Tsina, na sa kasalukuyan, ang industriya ng sasakyang de motor ng bansa ay nasa masusing panahon ng pag-unlad. Aniya, noong isang taon, bagama't naapektuhan ang industriya ng sasakyang de motor ng bansa dahil sa maraming elemento, hindi nagbabago ang magandang kinabukasan nito, at nananatili pa ring mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng industriya ng new-energy vehicles ng Tsina.
Isiniwalat ni Miao na sustenableng lumalawak ang saklaw ng industriya ng new-energy vehicles ng Tsina. Noong isang taon, magkahiwalay na umabot sa 1.27 milyon at halos 1.3 milyon ang mga ginawa at ibinentang bilang ng new-energy vehicles ng bansa na lumaki ng 59.9% at 61.7% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon, dagdag niya.
Salin: Li Feng