|
||||||||
|
||
Ayon sa panig opisyal ng Rusya, magtatagpo sa Moscow Enero 22, 2019, sina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya at Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon para pag-usapan ang kasunduang pangkapayapaan, bilateral na relasyon ng dalawang bansa, at mga isyung pandaigdig.
Ayon sa ulat, kabilang sa mga pag-uusapang tema ng dalawang lider ay kasalukuyang kalagayan at prospek ng kooperasyon ng dalawang bansa sa mga larangang gaya ng pulitika, kabuhayan at kalakalan, at kultura.
Bukod dito, nag-usap Lunes, Enero 14, 2019, sa Moscow sina Ministrong Panlabas Sergei Lavrov ng Rusya at Ministrong Panlabas Taro Kono ng Hapon. Pagkatapos ng pagpupulong, sinabi ni Lavrov na hindi nararapat na tatalakayin ang isyu ng soberanya ng Kuril Islands (tinatawag ng Hapon na Northern Territories). Aniya, teritoryo ng Rusya ang Kuril Islands.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |