|
||||||||
|
||
Sinabi Sabado, Mayo 26, 2018, ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na patuloy na hahanapin kasama ng Hapon ang kalutasan sa territorial dispute sa Southern Kurils Islands (tinatawag ng Hapon na Northern Islands).
Sa paanyaya ni Putin, isinagawa ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon ang opisyal na pagdalaw sa Rusya.
Sa kanilang pag-uusap, tinalakay nina Putin at Abe ang hinggil sa kasalukuyang kalagayan at prospek ng relasyong Ruso-Hapones. Nagpalitan din sila ng kuru-kuro tungkol sa mga isyung pandaigdig na gaya ng isyu ng Korean Peninsula.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |