Ha Long City, Lalawigang Quang Ninh ng Biyetnam—Miyerkules ng gabi, Enero 16, 2019, binuksan ang 2019 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Tourism Forum. Kalahok dito ang halos 2,000 opisyal at kinatawan ng mga organisasyong panturista ng ASEAN at mga pandaigdigang organo ng kooperasyon sa turismo.
Si Vu Duc Dam, Pangalawang Punong Ministro ng Biyetnam
Sa kanyang talumpati sa porum, ipinahayag ni Vu Duc Dam, Pangalawang Punong Ministro ng Biyetnam, na unti-unting lumalawak ang impluwensiya ng ASEAN Tourism Forum sa mga larangang gaya ng kooperasyong panturista ng ASEAN, pulitikal, kabuhayan, kultura at lipunan. Aniya, ang nasabing porum ay hindi lamang makakatulong sa pagbalak ng kanyang bansa ng mga kaukulang patakaran para sa mabilis at tuluy-tuloy na pag-unlad ng turismo, kundi gumawa rin ng mahalagang papel para sa masaganang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng mga bansang ASEAN.
Ang ASEAN Tourism Forum na itinatag noong 1981 ay pinakamalaking plataporma ng kooperasyong panturista ng ASEAN. Halinhinan itong idinaraos sa 10 kasaping bansa ng ASEAN tuwing taon.
Salin: Vera